Sunday, July 22, 2007
wala akong appropriate na title
alam ko na may mga pagkakataon na kapag nangyari na sau, kahit anu pang sabihin mo na alam mong dapat mong gawin, kapag anjan na ay mawawala lahat ng mga sinasabi mo. na di mo rin talaga magagawa ung tama. na kahit alam mong mali, eh sa un lang ung alam mong gawin para makacope dun sa nararamdaman mo eh. so di mo rin naman masisi kasi sa sarili mo alam mo na kapag nangyari sau un eh di mo rin naman talaga alam kung anu ang pwede mong gawin. Labels: rant
pero naisip ko lang, sa mga pagkakataon na alam mong wala naman talagang may kasalanan, na di lang talaga naayon sayo ang mga circumstances, mas matatanggap ba at mapapatawad ka ba ng Diyos kung Sya na lang ang sisihin mo at ibuhos sa Kanya ang lahat ng galit mo, kaysa gumawa ka ng isang bagay na madami ang naagrabyado at sobrang nasaktan?
syempre di rin ako sigurado. di rin naman ako sigurado kung anung magiging reaksyon ko at kung anung gagawin ko kung sakaling napunta ako sa ganung klaseng sitwasyon. at sa bandang huli, wala ka rin naman talagang masisisi sa lahat ng mga pangyayari.