Monday, August 20, 2007
high school "friend"
nakausap ko na naman ang aking hs "friend" kanina sa ym. actually nag-aabot lang naman kami pag madaling araw. kasi madaling araw lang naman online un. Labels: high school, love life, past
kamusta na kaya talaga un? pag nag-uusap kami, ang mga pinag-uusapan naman ay on safer grounds. baka kasi mahalukay pa ang aming past. eh di maganda ang mga pangyayari nun kaya ayun, simpleng mga bagay lang ang lagi naming pinag-uusapan.
pero honestly, gusto ko talagang malaman kung anu na kaya ang nangyayari sa kanya ngaun. at gusto ko rin syang makita ulet. matagal na kaming di nagkita. nung college pa. 4 years ago na ata. simula nga nung high school eh wala na kong masyadong balita sa kanya.
ang maganda na lang ngaun, kahit papano nag-uusap kami ng matino. di tulad nung after high school. tsk tsk. iba talaga un.
o well, i wish him well na lang. mukang maayos na naman ang takbo ng buhay nya. at sana lang di lang kami magkalimutan. hehe.
sidenote: sya ung umabot ng n years. haha.