Monday, August 20, 2007
a love story
kanina, umiral na naman ang pagka-impulsive nito ni katz. nagyaya biglang manuod ng sine. kaya ayun, nanuod kami sa festival mall kasama sina daine at jayr ng "a love story." (aga muhlach, maricel soriano and angelica panganiban) Labels: dinner, friends, gimik, love in general, movie, paksyon
syempre, walang kamatayang issues on love, wives, and mistresses. maganda ung movie. galing ng twists. (di ako maglalagay ng spoilers.) sobrang minsan lang ako manuod ng mga pinoy movies at sobrang recommended kong movie na to.
di naman sya mushy type movie eh. pero umiyak ako. haha. iyakin talaga ako pagdating sa mga movies na may mga issues na affected ako. (not that i'm married nor am i a mistress. haha.) ayun. madami lang talagang issues na di mo talaga alam kung tama o mali.. actually alam mo pero di mo rin talaga masasabi kung andun ka sa sitwasyon. hay. at di mo talaga ata maaalis sa mundo ang mga lalaking hindi maka-stick sa iisang babae. haha bitterness.
naalala ko ung hula sa kin ni chandeng. na magiging mistress ako. amp. haha. di un mangyayari.
after ng movie, dinner sa teriyaki boy. halos umabot ng Php1,000 bill namin. takaw kasi ni katz. haha. ayaw daw magkanin pero puro maki kinain. kanin din un. hehehe. pagkatapos lumamon =p, pumasok na si daine sa work, tapos kami ni katz nagpunta sa national bookstore at powerbooks para hanapin ung matagal na nayang hinahanap na "a history of love" by nicole krauss. na hindi rin naman namin nahanap. after nun, bili sya ng gamot at payong. tapos syempre, kwentuhan tungkol sa panlalalaki nya. hehe. jowk lang katz.
basta katz, advise ko lang sau, mag-ingat. lam mo na un. =) tsaka ok lang maging escapist. pero wag ka! pag may nakahuli sau. naku! =p