Saturday, November 17, 2007
bukas na sm muntinlupa!
grabe. alas-siete pa lang ng umaga, papasok ako sa office, ang dami nang taong nakapila sa sm! haha. dahil sa may 1000 gift cert ang first 100 shoppers. mga pinoy talaga. =) Labels: actuarial exam, asp convention, dinner, friends, sm, work
ang saya ng mga actuarial people! nasa cebu sila since thursday for asp convention. sayang! dapat kasama na ko. tsk kasi yang exam c na yan. hehe. apat nga lang kaming natira sa office eh. di tuloy ako masyado nagtrabaho. haha. kaso nautusan naman ako ng cfo namin. ang hirap pa namang makipag-ingles-an dun. british kasi. haha.
tapos lunch with lenard, daine, gloria at adrian. mga wala ding mga boss. hehe.
tapos nun, dinner naman with lenard and adrian. light na dinner lang actually. tapos kwentuhan to da max. 10pm na nga kami umalis sa jollibee nun eh. haha. sayang, dang, di ka nakasama. hehe.
hay. pwede ba humingi ng gala?!? kelangan lubusin habang di pa exam season. hay. hirap talaga ng actuarial. hehehe.
Sunday, September 23, 2007
happy birthday katz!!
katot! happy 21st bday! debut mo na! hehehe jowk lang. =) mahal ko yan si katz. =p Labels: birthday, dinner, friends, gimik, overnight, paksyon
kahapon ung bday treat nila ni jayr (sa sept 30 bday nya). ang last-minute na pang-iimbita. ehehe. oks lang. libre naman. :D ayun. kumain kami sa aling tonya's sa dampa, macapagal. yum! sarap ng seafoods. kasama sina daine, dang at jay. haha. busog na busog talaga.
kaming anim sa dampa, macapagal
thanks daine at katz for the pics
after nun, naglakad papuntang MOA. tapos nun nagkape sa bo's coffee club.
at bo's coffee, moa
at syempre overnight kina katz as usual. haha. musta naman un? wala akong kadala dalang kahit anung overnight stuff. buti na lang may mouthwash ako sa kikay kit. hahahah. kami lang nina jay at dang ung natuloy. haha. namiss ko overnight. hehe.
hay. sana meron ulet may birthday. hehe.
thanks katz and jayr. tsaka happy bday ulet. =)
Sunday, September 09, 2007
birthday party
kahapon, 21st birthday celebration ni normanjay. as usual, kwentuhan, jamming, inuman, overnyt. at as usual, mga paksyon andun. sina dang, katz, daine, jayr, lenard, lucky at adrian (na alas 2 na dumating, kasama si chris ang kanyang bestfriend). plus ang cooties at ang parkhomes barkada ni jay.
ayun. ang saya. ang tindi magwala ni lenard pag nalasing. english spokening. bday kasi nya ngaun. so parang nakalibre sya sa celebration. haha. binilan namin sya ni dang ng polka dots na necktie (black and red) at black hankie. bagay na bagay sa pagkatao nya. haha. at ang tangengots naiwan naman dito. haha. at as usual dito sila natulog sa min. hehe.
ayun. sobrang enjoy. kahit na di ako sumipot sa isa ko pang lakad. hehe. sori naman. masaya dun eh.
haberday ulet normanjay and lenard.
hay. ayun. kwentuhan ni dang bago matulog. hay. nakakamiss ang mga ganitong gimik. sana balik estudyante ulet ako. kung pwede lang talaga. hay.
side note: potek. kelangan mo ba kong bigyan ng matinding hug?!?! potek ka talaga kahit kelan. amp.
Friday, September 07, 2007
dinner with masci batchmates
kanina, we had dinner with masci batchmates. sa north park. nagyaya si erwin comia. ayun. nice to see them ulet. kahit na mga non-sof sila lahat. haha. peste kasi yang sof vs controlled thingie na yan nung highschool. di tuloy lahat ng batchmates ko nun nakilala ko talaga. ung iba nga, nagkakagulatan na lang nung graduation. haha. Labels: dinner, friends, gimik, high school, masci
nyways, un. wala lang. masaya lang nakagimik kahit papano. haha. (salat sa gimik eh. sori naman. haha.)
Monday, August 20, 2007
a love story
kanina, umiral na naman ang pagka-impulsive nito ni katz. nagyaya biglang manuod ng sine. kaya ayun, nanuod kami sa festival mall kasama sina daine at jayr ng "a love story." (aga muhlach, maricel soriano and angelica panganiban) Labels: dinner, friends, gimik, love in general, movie, paksyon
syempre, walang kamatayang issues on love, wives, and mistresses. maganda ung movie. galing ng twists. (di ako maglalagay ng spoilers.) sobrang minsan lang ako manuod ng mga pinoy movies at sobrang recommended kong movie na to.
di naman sya mushy type movie eh. pero umiyak ako. haha. iyakin talaga ako pagdating sa mga movies na may mga issues na affected ako. (not that i'm married nor am i a mistress. haha.) ayun. madami lang talagang issues na di mo talaga alam kung tama o mali.. actually alam mo pero di mo rin talaga masasabi kung andun ka sa sitwasyon. hay. at di mo talaga ata maaalis sa mundo ang mga lalaking hindi maka-stick sa iisang babae. haha bitterness.
naalala ko ung hula sa kin ni chandeng. na magiging mistress ako. amp. haha. di un mangyayari.
after ng movie, dinner sa teriyaki boy. halos umabot ng Php1,000 bill namin. takaw kasi ni katz. haha. ayaw daw magkanin pero puro maki kinain. kanin din un. hehehe. pagkatapos lumamon =p, pumasok na si daine sa work, tapos kami ni katz nagpunta sa national bookstore at powerbooks para hanapin ung matagal na nayang hinahanap na "a history of love" by nicole krauss. na hindi rin naman namin nahanap. after nun, bili sya ng gamot at payong. tapos syempre, kwentuhan tungkol sa panlalalaki nya. hehe. jowk lang katz.
basta katz, advise ko lang sau, mag-ingat. lam mo na un. =) tsaka ok lang maging escapist. pero wag ka! pag may nakahuli sau. naku! =p
Monday, August 13, 2007
sari-saring bagay
birthday ni mama kahapon. may konting handa sa bahay. at as usual n times na naman akong nasabihang mataba. amp. kelangan na talagang magpapayat. (buti pa si alex, sinabihan ako nung saturday na pumayat daw ako. sa wakas! after two years! may nagsabi na ulit nun. pero mukhang nagsisinungaling. haha.) Labels: actuarial exam, birthday, dinner, family, friends, harry potter, life in general, movie, paksyon
niyaya ko nga si mama na magpa-spa. un na lang regalo ko sa kanya. eh ayaw naman. as usual perahin ko na lang daw. tsk tsk.
* * * * *
nanuod kami ng kapatid ko nung saturday ng ratatouille. last full show sa festival. ayun. ok naman sya. maganda naman. nakakatuwa. hehe.
* * * * *
kanina, etong si katz, bigla na namang nagyaya ng dinner. ayun. dinner sa wendy's kasama sina dang, jay, lenard, dudubs at wawo. kaso naman. wala naman akong na-fish. amp. ayaw pa kasing umamin. hehe.
* * * * *
eto, isa pang last-minute magyaya ng dinner. si luisa. nagdinner kami nung last friday night. sa pizza hut bistro, glorietta. with rache, rowj and lenard. tapos dumaan sina chris and other philam people. ayun. at kung anu-ano na naman ang natanong sa kin. talaga tong si lui. tsk tsk.
* * * * *
mga nakaline-up na lilitsunin ko - luisa, julie, rachelle, dang, at katz. may gusto pa bang sumunod? hehe.
* * * * *
ang anak ko (di totoong anak. anak-anakan lang), makulay ang buhay. i'm so proud. hahaha.
in relation to that, kanina, nilagay kong status sa ym "proud mom! :D gogogo anak!" bigla ba namang may nag-pm sa kin "hala! nanganak ka na?!?!" amp. kakalat pa atang may anak na ko. haha.
* * * * *
favorite line ko sa ym conference kanina: "isa-isa lang *insert name here* baka ma-suffocate ka." hahaha. go figure kung bakit tawa ako ng tawa. haha.
* * * * *
hay. di ko pa rin nasisimulang basahin ang harry potter 7. sana talaga matapos ko bago ako magreview ulet for exam c. at dapat ipasa ko na talaga ang exam na un. hayayaiz.
* * * * *
bakit ba ko madalas mabiktima ng mga telemarketers ng mga credit card? hay masyado ata talaga akong mabait makipag-usap sa phone. tsk tsk. kelangan talagang matutong magtaray paminsan-minsan.
* * * * *
last na. tigilan nyo na ko! wala talaga un! amp.
Sunday, July 15, 2007
movie bonding
kahapon after class, nagmovie bonding na naman kami ni luisa. ganyan kami kapag after ng sem, or before magreview for SOA exam. panrelax na movie. hehe. Labels: actuarial exam, friends, gimik, movie
nagsimula yan nung magrereview ako for exam M, sya for FM. nanuod kami ng "The Lake House". at di naman kami narelax. kasi naman nagkandahilo-hilo kami sa pag-intindi ng movie. at after ng movie, syempre nagdiskusyon pa kami. ayun. ang pagrerelax ay failed. hehe.
ung pangalawa naman na movie na pinanuod namin ay ung "300". pagkatapos ata un ng hell sem namin dahil sa group insurance. kaya namin pinanuod ay dahil gusto naming makita ung 8-packs. haha. tapos biglang ang gory naman pala nung movie. puro patayan. ayun, failed ulit ang pagrerelax. hehe.
etong pangatlo, kahapon nga, success naman ang pagrerelax bago magreview ulit for SOA. pinanuod namin "Transformers". at ako, kahit pangalawang beses ko nang napanuod un, iba pa rin talaga. astig pa rin talaga ung movie. hehe. as in hanggang sa pag-uwi ay nagkukwentuhan kami ni luisa. ayun. sa wakas, success ang panrelax movie.
sabi nga nila, the third time's a charm. =)
Saturday, June 23, 2007
dinner with hs friends
last thursday night, had dinner with some of my high school friends. though onti lang naman kaming pumunta, masaya pa rin. =) kwentuhan, tawanan, reminiscing. hay. nakakamiss din ang mga taong un. sana matuloy ung part 2. hehe. aalis na kasi si jmer sa august for japan. waah. nakakamiss talaga sila. pati ang mga pagala-gala nakakamiss. sana mapadalas ang mga ganitong gimik namin. hehe. at sana pati elem friends makita ko na rin ulet. hehe.
sally, tasj, jmer, me
not in the picture: obi (camera man), kr and bf
Friday, June 15, 2007
first day high
haha. feeling estudyante na naman ako. =p first day kasi ng class sa masters bukas. magfifeeling college student na naman ako. haha. namimiss ko na up. =p Labels: friends, life in general, masters, up, up math club
may globe na pala ako! sa wakas. haha. nakakatawa pa ung pagkakaroon ko ng globe. balak ko kasi mag-apply ng globe plan. may corporate promo kasi sila sa office. so ayun. nakapagfill-up na ko ng form, nakapaghanda ng requirements. mamimili na lang ako kung anong fone ung gusto ko. tapos ipapasa ko na lang. eh sabay kami umuwi ni lenard kahapon. bumili muna sya ng polo na worth P700++. sakto may promo globe sa sm. minimum P500 single receipt, may libreng globe sim. ayun! kinuha namin at binigay na lang nya sa kin. haha. fone na lang kulang. tsk tsk. buti na nga lang kasi nasasayangan din ako sa plan 500. di ko naman mauubos un. 300 load nga di ko nauubos sa isang bwan eh. hehe. nyways, maghahanap na lang ako ng murang fone na mabibili.
recently, naghahalukay ako ng mga files ko dito sa pc namin. ayun, sangkatutak na pics ang nahalukay ko. nakakatuwa magreminisce hehe. andun ung pics nung sem-ender namin sa cavite, mga pics nung college and highschool at pati na rin elementary. nakakatuwa lang na andaming mga taong nagbago ng itsura (pumayat, tumaba) at madami rin naman ung parang walang nagbago. hay. nakakamiss talaga ang mga tao. sana makagimik ako ulet kasama sila. hehe.
eto ang ala-meteor garden daw na pic nung sem-ender (oct 03 un). grabe christsuper! ang laki talaga ng tinaba mo ngaun. triple! hehe.
para sa iba pang pics, pumunta kau dito.