Saturday, November 17, 2007
movie gimik
dapat magpapa-hair spa kami ng kapatid ko kanina. tapos movie. kaso naman. alas-sais na kami nakaaalis ng bahay. tapos sobrang traffic pa sa may amin. pesteng sm. haha. kaya ayun, anung petsa na kami nakarating sa festival. nanuod na lang tuloy kami ng sine. sabi ko nga 'one more chance'. kaso ayaw ng kapatid ko. kaya 'game plan' na lang. ganda. pang-feel good movie talaga. hehe.
sa susunod, 'one more chance' naman. haha. as in papanoorin ko.
Sunday, September 23, 2007
happy birthday katz!!
katot! happy 21st bday! debut mo na! hehehe jowk lang. =) mahal ko yan si katz. =p Labels: birthday, dinner, friends, gimik, overnight, paksyon
kahapon ung bday treat nila ni jayr (sa sept 30 bday nya). ang last-minute na pang-iimbita. ehehe. oks lang. libre naman. :D ayun. kumain kami sa aling tonya's sa dampa, macapagal. yum! sarap ng seafoods. kasama sina daine, dang at jay. haha. busog na busog talaga.
kaming anim sa dampa, macapagal
thanks daine at katz for the pics
after nun, naglakad papuntang MOA. tapos nun nagkape sa bo's coffee club.
at bo's coffee, moa
at syempre overnight kina katz as usual. haha. musta naman un? wala akong kadala dalang kahit anung overnight stuff. buti na lang may mouthwash ako sa kikay kit. hahahah. kami lang nina jay at dang ung natuloy. haha. namiss ko overnight. hehe.
hay. sana meron ulet may birthday. hehe.
thanks katz and jayr. tsaka happy bday ulet. =)
Friday, September 14, 2007
bridal shower
kanina nagpa-bridal shower kami dun sa officemate kong ikakasal na this saturday. dun kami sa may tomas morato. dinner muna sa little asia. tapos punta sa isang gay bar sa timog ave. haha. first time kong makapasok sa gay bar. sa wakas. hahaha. iba pala talaga pag personal na kesa sa pic or video lang. haha. at in fairness ang gagwapo at mga kpr. haha. pero di rin naman nagpakita masyado. tapos ang mahal ng binayad namin. umabot kami ng P500 each wala naman kaming nakita. haha. at totoo pala talagang mas mahal ang bayad kapag babae. haha. owel. ayan. Labels: bridal shower, gimik, officemates
at eto kakauwi ko nga lang ngaun. grabe. kahit na may pasok pa mamaya. owel. ganyan talaga. enjoy naman. nyahaha.
ako, pag ipapa-bridal shower nyo ko, gusto ko magrenta na lang ng lalake. hahaha. teka maghahanap muna pala ako ng papakasalan ko. hehe.
Sunday, September 09, 2007
birthday party
kahapon, 21st birthday celebration ni normanjay. as usual, kwentuhan, jamming, inuman, overnyt. at as usual, mga paksyon andun. sina dang, katz, daine, jayr, lenard, lucky at adrian (na alas 2 na dumating, kasama si chris ang kanyang bestfriend). plus ang cooties at ang parkhomes barkada ni jay.
ayun. ang saya. ang tindi magwala ni lenard pag nalasing. english spokening. bday kasi nya ngaun. so parang nakalibre sya sa celebration. haha. binilan namin sya ni dang ng polka dots na necktie (black and red) at black hankie. bagay na bagay sa pagkatao nya. haha. at ang tangengots naiwan naman dito. haha. at as usual dito sila natulog sa min. hehe.
ayun. sobrang enjoy. kahit na di ako sumipot sa isa ko pang lakad. hehe. sori naman. masaya dun eh.
haberday ulet normanjay and lenard.
hay. ayun. kwentuhan ni dang bago matulog. hay. nakakamiss ang mga ganitong gimik. sana balik estudyante ulet ako. kung pwede lang talaga. hay.
side note: potek. kelangan mo ba kong bigyan ng matinding hug?!?! potek ka talaga kahit kelan. amp.
Friday, September 07, 2007
dinner with masci batchmates
kanina, we had dinner with masci batchmates. sa north park. nagyaya si erwin comia. ayun. nice to see them ulet. kahit na mga non-sof sila lahat. haha. peste kasi yang sof vs controlled thingie na yan nung highschool. di tuloy lahat ng batchmates ko nun nakilala ko talaga. ung iba nga, nagkakagulatan na lang nung graduation. haha. Labels: dinner, friends, gimik, high school, masci
nyways, un. wala lang. masaya lang nakagimik kahit papano. haha. (salat sa gimik eh. sori naman. haha.)
Monday, August 20, 2007
a love story
kanina, umiral na naman ang pagka-impulsive nito ni katz. nagyaya biglang manuod ng sine. kaya ayun, nanuod kami sa festival mall kasama sina daine at jayr ng "a love story." (aga muhlach, maricel soriano and angelica panganiban) Labels: dinner, friends, gimik, love in general, movie, paksyon
syempre, walang kamatayang issues on love, wives, and mistresses. maganda ung movie. galing ng twists. (di ako maglalagay ng spoilers.) sobrang minsan lang ako manuod ng mga pinoy movies at sobrang recommended kong movie na to.
di naman sya mushy type movie eh. pero umiyak ako. haha. iyakin talaga ako pagdating sa mga movies na may mga issues na affected ako. (not that i'm married nor am i a mistress. haha.) ayun. madami lang talagang issues na di mo talaga alam kung tama o mali.. actually alam mo pero di mo rin talaga masasabi kung andun ka sa sitwasyon. hay. at di mo talaga ata maaalis sa mundo ang mga lalaking hindi maka-stick sa iisang babae. haha bitterness.
naalala ko ung hula sa kin ni chandeng. na magiging mistress ako. amp. haha. di un mangyayari.
after ng movie, dinner sa teriyaki boy. halos umabot ng Php1,000 bill namin. takaw kasi ni katz. haha. ayaw daw magkanin pero puro maki kinain. kanin din un. hehehe. pagkatapos lumamon =p, pumasok na si daine sa work, tapos kami ni katz nagpunta sa national bookstore at powerbooks para hanapin ung matagal na nayang hinahanap na "a history of love" by nicole krauss. na hindi rin naman namin nahanap. after nun, bili sya ng gamot at payong. tapos syempre, kwentuhan tungkol sa panlalalaki nya. hehe. jowk lang katz.
basta katz, advise ko lang sau, mag-ingat. lam mo na un. =) tsaka ok lang maging escapist. pero wag ka! pag may nakahuli sau. naku! =p
Sunday, July 15, 2007
movie bonding
kahapon after class, nagmovie bonding na naman kami ni luisa. ganyan kami kapag after ng sem, or before magreview for SOA exam. panrelax na movie. hehe. Labels: actuarial exam, friends, gimik, movie
nagsimula yan nung magrereview ako for exam M, sya for FM. nanuod kami ng "The Lake House". at di naman kami narelax. kasi naman nagkandahilo-hilo kami sa pag-intindi ng movie. at after ng movie, syempre nagdiskusyon pa kami. ayun. ang pagrerelax ay failed. hehe.
ung pangalawa naman na movie na pinanuod namin ay ung "300". pagkatapos ata un ng hell sem namin dahil sa group insurance. kaya namin pinanuod ay dahil gusto naming makita ung 8-packs. haha. tapos biglang ang gory naman pala nung movie. puro patayan. ayun, failed ulit ang pagrerelax. hehe.
etong pangatlo, kahapon nga, success naman ang pagrerelax bago magreview ulit for SOA. pinanuod namin "Transformers". at ako, kahit pangalawang beses ko nang napanuod un, iba pa rin talaga. astig pa rin talaga ung movie. hehe. as in hanggang sa pag-uwi ay nagkukwentuhan kami ni luisa. ayun. sa wakas, success ang panrelax movie.
sabi nga nila, the third time's a charm. =)
Saturday, June 23, 2007
dinner with hs friends
last thursday night, had dinner with some of my high school friends. though onti lang naman kaming pumunta, masaya pa rin. =) kwentuhan, tawanan, reminiscing. hay. nakakamiss din ang mga taong un. sana matuloy ung part 2. hehe. aalis na kasi si jmer sa august for japan. waah. nakakamiss talaga sila. pati ang mga pagala-gala nakakamiss. sana mapadalas ang mga ganitong gimik namin. hehe. at sana pati elem friends makita ko na rin ulet. hehe.
sally, tasj, jmer, me
not in the picture: obi (camera man), kr and bf