Saturday, November 17, 2007
bukas na sm muntinlupa!
grabe. alas-siete pa lang ng umaga, papasok ako sa office, ang dami nang taong nakapila sa sm! haha. dahil sa may 1000 gift cert ang first 100 shoppers. mga pinoy talaga. =) Labels: actuarial exam, asp convention, dinner, friends, sm, work
ang saya ng mga actuarial people! nasa cebu sila since thursday for asp convention. sayang! dapat kasama na ko. tsk kasi yang exam c na yan. hehe. apat nga lang kaming natira sa office eh. di tuloy ako masyado nagtrabaho. haha. kaso nautusan naman ako ng cfo namin. ang hirap pa namang makipag-ingles-an dun. british kasi. haha.
tapos lunch with lenard, daine, gloria at adrian. mga wala ding mga boss. hehe.
tapos nun, dinner naman with lenard and adrian. light na dinner lang actually. tapos kwentuhan to da max. 10pm na nga kami umalis sa jollibee nun eh. haha. sayang, dang, di ka nakasama. hehe.
hay. pwede ba humingi ng gala?!? kelangan lubusin habang di pa exam season. hay. hirap talaga ng actuarial. hehehe.
Saturday, September 29, 2007
work
i'm REALLY starting to REALLY HATE my work. remind me again why i chose to pursue this career when i'm having a good time in my previous work?!?! damn damn. ngaun na ba ang panahon para pagsisihan ko ang naging desisyon ko??
Tuesday, September 11, 2007
passed
yey! passed the vee exam (applied stat) i took last august. yey! salary increase ulet! hehe. yay for me! then had the lunch treat today. yay for officemates! Labels: actuarial exam, work
then onto the next exam. hay. study study study again. tsk tsk.
Thursday, September 06, 2007
big girls don't cry
hay. ba't ganon? isang text lang. wala na naman ako. ampota. akala ko tapos na. mukhang di pa rin ata. potek. kelan ba to matatapos? kelan ba matatapos mga paghihirap ko sayo?! potek talaga.
at isa pa. sana, mga tao, ang mga bagay na napag-uusapan, sana sa inyo na lang. di na lumalabas, lalo na if it's not for you to tell anybody. hayaan na lang nating ung taong un mismo ang magsabi. nakakairita lang.
side note: bumili pala ako ng september 2007 issue ng cosmo phil. dahil sa 69 bachelors. haha. hot! hot! hotiness! haha.
side note 2: sana matapos na ang mortality study. lagi na lang ako ginagabi ng uwi from work. at tumataas na ata mortality ko. tsk tsk. hay. gusto ko talaga mag vacation leave.
Sunday, September 02, 2007
after a while
nakapagblog din. sobrang busy kasi sa work eh. as usual. sana nga matapos na ung ginagawa namin para makauwi naman ako ng maaga. hay. sobrang nakakapagod na. last week nga, nagkasakit pa ko. halfday ako ng wednesday tapos whole day absent nung thursday. ewan ko. sobrang sumama ung tyan ko. dahil ata sa nakain ko un. pero ok na rin. at least may break kahit papaano from work. sobrang toxic talaga. tsk tsk. Labels: actuarial exam, family, work
at malapit na ring maging toxic sa exam. dapat kasi nag-sisimula na kong mag-aral para sa actuarial exam ko sa november. tapos may masters pa. haha. anu ba pinaggagagawa ko sa buhay? owel.
nung friday pala, dumating na si papa. nagkaresked kasi sa work kaya ayun, napaaga ng uwi. ayun. puro chocolates na naman. haha. at napunta sa kin ang luma nyang hp laptop. bumili kasi ng bago. ung mas maliit. ang astig nga eh. mahilig talaga sa techi stuff un si papa. tapos bagong celfone kay jeric. kainggit. gusto ko rin ng bagong celfone. haha.
hay. ayan. eto nagpapakababad sa pc. wah. gusto ko ng mahabang bakasyon. hay.
Friday, August 03, 2007
movie treat
kanina movie treat sa company. napuno ata namin ung isang buong movie house sa greenbelt. good first semester sales performance daw sabi ng aming ceo kaya nagpamovie treat sya sa lahat ng employees, plus wendy's dinner. ayun ok naman. "license to wed" ung pinanood namin. maganda naman (kahit na ayoko kay mandy moore hehe).
hay. mag-aaral pa ko. sana matapos na ang exam ko sa wednesday. amp. pagod na ko mag-aral.
Tuesday, June 26, 2007
cereal killer
yan ang nakasulat sa shirt nung classmate ko nung sabado. wala lang. natuwa lang ako. wala lang. good change from my mood bago ako pumasok.
sobrang natotoxic na kasi ako sa trabaho ko. lately ang daming ginagawa tapos parati pa akong late nakakauwi. hanggang ngaun nga mejo toxic pa rin. tapos dinagdagan pa ng mga gawain sa masters. minsan iniisip ko kung tama ba ang desisyon ko na magmasters. wala naman kasi syang incentive sa trabaho ko. nakakapagod lang dahil sa dagdag na aasikasuhin.
minsan pa naiisip ko kung eto nga ba ang gusto kong career. sa totoo lang, di ko naman talaga sure kung magugustuhan ko nga talaga tong pinasok ko. nung college kasi, parang eto na ung pinakagusto kong option para sa kurso ko. pero nung nag-aapply na ko ng trabaho, naisip ko nun, ok lang sa kin kahit hindi actuarial. kaya nga napunta ako nun sa ibang trabaho. kasi kung gusto ko naman talaga ng career na un, dapat nag-antay talaga ako na magkaroon ng opening. pero nung mga panahon na un, ang nasa isip ko basta kung anu ung unang magandang offer na dumating. mejo nagtagal pa nga ako sa una kong trabaho at di talaga ako nageeffort na maghanap ng iba. dumating lang talaga ung opportunity so kinuha ko na kasi ayokong pagsisihan na hindi ko tinry man lang itong career na to. pero ngaun, napapagod na ko. ang dami pang exam na kelangang kunin bago ka makarating sa dulo. napapagod na ko mag-aral.
hay. ayoko talaga ng ganitong buhay. ayoko magtrabaho forever. kaso ang hirap naman magbusiness. wala namang puhunan. so in the end kelangan din magkayod para magkaroon ng pampuhunan.
amp. maghahousewife na lang talaga ako.
Saturday, June 02, 2007
stress
hay. for one whole week, i've been going home late from work. dami kasing kelangan tapusin. hay. and i thought i would be able to go home early dahil friday night! amp. pano na lang kung may date ako?! (dapat talaga magkaboyfriend na ko. wala na kong social life. puro trabaho-bahay. at friday night pa naman! wala man lang gimik. amp. hehe.) hay. sana matapos na lahat ngaung week para makapagpahinga naman.
pasukan na naman. enrollment na next week. at wala man lang akong na-enlist sa crs. at sana naman may available na na klase.
gusto ko ng gala. amp.