<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/8915082?origin\x3dhttp://belle18.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="belle18.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div><script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div>

Saturday, November 17, 2007

bukas na sm muntinlupa!

grabe. alas-siete pa lang ng umaga, papasok ako sa office, ang dami nang taong nakapila sa sm! haha. dahil sa may 1000 gift cert ang first 100 shoppers. mga pinoy talaga. =)

ang saya ng mga actuarial people! nasa cebu sila since thursday for asp convention. sayang! dapat kasama na ko. tsk kasi yang exam c na yan. hehe. apat nga lang kaming natira sa office eh. di tuloy ako masyado nagtrabaho. haha. kaso nautusan naman ako ng cfo namin. ang hirap pa namang makipag-ingles-an dun. british kasi. haha.

tapos lunch with lenard, daine, gloria at adrian. mga wala ding mga boss. hehe.

tapos nun, dinner naman with lenard and adrian. light na dinner lang actually. tapos kwentuhan to da max. 10pm na nga kami umalis sa jollibee nun eh. haha. sayang, dang, di ka nakasama. hehe.

hay. pwede ba humingi ng gala?!? kelangan lubusin habang di pa exam season. hay. hirap talaga ng actuarial. hehehe.

Labels: , , , , ,

Bobel bared her soul @ 12:53 AM
1 people took on that same cross-town bus

Wednesday, November 07, 2007

finally

sa wakas. nakapag-blog din. haha.

kakatapos lang ng exam. ung inulit ko ngaun dahil di ako pumasa nung may. well, hoping ako ngaun na pumasa. mukhang ok naman ung result ng exam. wah. sana talaga pumasa na. hay. ayoko na ulitin to.

sa totoo lang, nagsasawa na rin ako sa kaka-exam. ang laki ng opportunity cost ng pag-aaral for an exam. social life, time para sa sarili, lack of sleep, at love life. (not that i have one. pero un na nga eh. wala dahil walang oras. amp.) haha. nung umpisa, ok pa eh. kasi iniisip ko para sa sarili ko to, para sa career. noon un nung appealing pa talaga sa kin ang career na to. pero ngaun? di ko na alam kung anu talaga ang gusto ko.

hay. sana makita ko na kung anu man ung hinahanap ko.

side note: kelangan ko lang talaga siguro ng bago para di ako magsawa sa buhay ko ngaun. hay.

Labels: , ,

Bobel bared her soul @ 12:00 AM
0 people took on that same cross-town bus

Tuesday, September 11, 2007

passed

yey! passed the vee exam (applied stat) i took last august. yey! salary increase ulet! hehe. yay for me! then had the lunch treat today. yay for officemates!

then onto the next exam. hay. study study study again. tsk tsk.

Labels: ,

Bobel bared her soul @ 10:36 PM
0 people took on that same cross-town bus

Sunday, September 02, 2007

after a while

nakapagblog din. sobrang busy kasi sa work eh. as usual. sana nga matapos na ung ginagawa namin para makauwi naman ako ng maaga. hay. sobrang nakakapagod na. last week nga, nagkasakit pa ko. halfday ako ng wednesday tapos whole day absent nung thursday. ewan ko. sobrang sumama ung tyan ko. dahil ata sa nakain ko un. pero ok na rin. at least may break kahit papaano from work. sobrang toxic talaga. tsk tsk.

at malapit na ring maging toxic sa exam. dapat kasi nag-sisimula na kong mag-aral para sa actuarial exam ko sa november. tapos may masters pa. haha. anu ba pinaggagagawa ko sa buhay? owel.

nung friday pala, dumating na si papa. nagkaresked kasi sa work kaya ayun, napaaga ng uwi. ayun. puro chocolates na naman. haha. at napunta sa kin ang luma nyang hp laptop. bumili kasi ng bago. ung mas maliit. ang astig nga eh. mahilig talaga sa techi stuff un si papa. tapos bagong celfone kay jeric. kainggit. gusto ko rin ng bagong celfone. haha.

hay. ayan. eto nagpapakababad sa pc. wah. gusto ko ng mahabang bakasyon. hay.

Labels: , ,

Bobel bared her soul @ 12:51 PM
0 people took on that same cross-town bus

Monday, August 13, 2007

sari-saring bagay

birthday ni mama kahapon. may konting handa sa bahay. at as usual n times na naman akong nasabihang mataba. amp. kelangan na talagang magpapayat. (buti pa si alex, sinabihan ako nung saturday na pumayat daw ako. sa wakas! after two years! may nagsabi na ulit nun. pero mukhang nagsisinungaling. haha.)

niyaya ko nga si mama na magpa-spa. un na lang regalo ko sa kanya. eh ayaw naman. as usual perahin ko na lang daw. tsk tsk.

* * * * *

nanuod kami ng kapatid ko nung saturday ng ratatouille. last full show sa festival. ayun. ok naman sya. maganda naman. nakakatuwa. hehe.

* * * * *

kanina, etong si katz, bigla na namang nagyaya ng dinner. ayun. dinner sa wendy's kasama sina dang, jay, lenard, dudubs at wawo. kaso naman. wala naman akong na-fish. amp. ayaw pa kasing umamin. hehe.

* * * * *

eto, isa pang last-minute magyaya ng dinner. si luisa. nagdinner kami nung last friday night. sa pizza hut bistro, glorietta. with rache, rowj and lenard. tapos dumaan sina chris and other philam people. ayun. at kung anu-ano na naman ang natanong sa kin. talaga tong si lui. tsk tsk.

* * * * *

mga nakaline-up na lilitsunin ko - luisa, julie, rachelle, dang, at katz. may gusto pa bang sumunod? hehe.

* * * * *

ang anak ko (di totoong anak. anak-anakan lang), makulay ang buhay. i'm so proud. hahaha.

in relation to that, kanina, nilagay kong status sa ym "proud mom! :D gogogo anak!" bigla ba namang may nag-pm sa kin "hala! nanganak ka na?!?!" amp. kakalat pa atang may anak na ko. haha.

* * * * *

favorite line ko sa ym conference kanina: "isa-isa lang *insert name here* baka ma-suffocate ka." hahaha. go figure kung bakit tawa ako ng tawa. haha.

* * * * *

hay. di ko pa rin nasisimulang basahin ang harry potter 7. sana talaga matapos ko bago ako magreview ulet for exam c. at dapat ipasa ko na talaga ang exam na un. hayayaiz.

* * * * *

bakit ba ko madalas mabiktima ng mga telemarketers ng mga credit card? hay masyado ata talaga akong mabait makipag-usap sa phone. tsk tsk. kelangan talagang matutong magtaray paminsan-minsan.

* * * * *

last na. tigilan nyo na ko! wala talaga un! amp.

Labels: , , , , , , , ,

Bobel bared her soul @ 10:45 PM
0 people took on that same cross-town bus

Wednesday, August 08, 2007

done!

yay! DONE with my vee exam in applied statistics. FINALLY! after how many sleepless nights! (actually, just two or three. the other sleepless nights - not studying. teehee. XD)

hopefully, i did well enough to pass. i actually felt a lot better after this exam than after the last one (which i was quite sure then that i wouldn't pass, then BAM! di nga pumasa. amp.) so i guess i have a bigger chance to pass this time (sana talaga!)

will finally be able to read harry potter book 7. haha. then off to study for another exam (the same i took last may). aww. hopefully, will pass this time.


ps: wah. sana makapanood ng sine bago ang madugong pag-aaral. haiz.

Labels: ,

Bobel bared her soul @ 10:55 PM
0 people took on that same cross-town bus

Sunday, July 15, 2007

movie bonding

kahapon after class, nagmovie bonding na naman kami ni luisa. ganyan kami kapag after ng sem, or before magreview for SOA exam. panrelax na movie. hehe.

nagsimula yan nung magrereview ako for exam M, sya for FM. nanuod kami ng "The Lake House". at di naman kami narelax. kasi naman nagkandahilo-hilo kami sa pag-intindi ng movie. at after ng movie, syempre nagdiskusyon pa kami. ayun. ang pagrerelax ay failed. hehe.

ung pangalawa naman na movie na pinanuod namin ay ung "300". pagkatapos ata un ng hell sem namin dahil sa group insurance. kaya namin pinanuod ay dahil gusto naming makita ung 8-packs. haha. tapos biglang ang gory naman pala nung movie. puro patayan. ayun, failed ulit ang pagrerelax. hehe.

etong pangatlo, kahapon nga, success naman ang pagrerelax bago magreview ulit for SOA. pinanuod namin "Transformers". at ako, kahit pangalawang beses ko nang napanuod un, iba pa rin talaga. astig pa rin talaga ung movie. hehe. as in hanggang sa pag-uwi ay nagkukwentuhan kami ni luisa. ayun. sa wakas, success ang panrelax movie.

sabi nga nila, the third time's a charm. =)

Labels: , , ,

Bobel bared her soul @ 1:02 PM
0 people took on that same cross-town bus

Saturday, July 14, 2007

failed

ayun na nga. bumagsak ako sa actuarial exam na tinake ko last may. well, ineexpect ko na naman un. pero iba pala talaga kapag nalaman mo na talaga ung results. masakit pa rin. hanggang ngaun nga di pa ako umiiyak. pero kaninang umaga sa office, gusto ko na talaga umiyak. hay.

part kasalanan ko rin naman siguro. di ako ung aral na aral nun. at marami din akong bloopers. ung di ko naisip agad kung pano sagutin. pero pagkatapos, ayun saka ko lang naisip kung pano gawin ung ibang mga questions. pero part din kasalanan ng exam. kasi mahirap talaga. as in. hay. bawi ako sa november. buti na lang makakaabot pa ko bago magbago requirements for associateship ng asp. at dapat ipasa ko na talaga un.

on the brighter side, nakakatawa mga tao sa office. normal din daw pala ako. haha.

owell, there will always be the first time. sabi nga nila, di ka masasabing actuarial talaga kung di ka babagsak sa exam at least once. welcome to the club.

ps: congrats pala sa lahat ng pumasa. =)
ps squared: ok na ko. kelangan ko na lang ng inom. haha.

Labels:

Bobel bared her soul @ 3:51 AM
1 people took on that same cross-town bus

Saturday, July 07, 2007

07-07-07

di ba dapat lucky ang araw na to? bakit parang hindi. haha.

una, napostpone ang pasahan ng paper na pinagpuyatan ko at ginawa ko pa sa office dahil di pumasok ang teacher namin. although lucky na rin icoconsider. hehe.

pangalawa, nalate ako sa 1pm na klase ko. 1pm na nga eh! nalate pa!

pangatlo, pagdating ko, limang minuto lang ata akong nakaupo tapos biglang nagpasurprise quiz! though may quiz naman talaga everyday pero sa end pa ng klase pagkatapos ng discussion. kanina as in wala pa ko naabsorb dun sa mga pinagsasabi nya dahil kararating ko nga lang, biglang nagpaquiz na! na-blanko tuloy ako ng ilang minuto. di ko alam kung pano isosolve ung mga tanong. buti na lang nakarecover agad. haha.

pang-apat, di pa rin ako nag-aaral. may exam ako next saturday, at sa susunod na saturday, at may VEE pa na dapat ay nag-aaral na rin ako. bakit nga ba ulit ako nagmasters? bakit nga ba ulit actuarial ang kinuha ko na puro exam naman? di nga ko kumuha ng acctg kasi ayoko ng board exam, un pala mas madami pang exam sa actuarial. hay. ewan ko na rin.

at pang-lima, natalo na naman ang UP kanina sa opening game ng UAAP. tambak! eh pano ba naman la salle ang kalaban. malamang sa malamang ay matalo nga sila. isang taon din na di nakapaglaro ang la salle so malamang ay babawiin nila ang championship.

and the list could go on and on. pero ung mga kamalasan na un, di na nangyari ngaun. dati ko pa talagang kamalasan. haha.

Labels: , , ,

Bobel bared her soul @ 10:48 PM
0 people took on that same cross-town bus

- bobel -

    I guess promises are made to be broken. I guess all things, everything has an end. I guess there's no such thing that lasts forever. I guess we're not really meant to be together. Promises made, promises broken. Another love's gone, another love's been taken. There's nothing left for me to do but weep. Nothing left but broken promises to keep.

    .bobel.24 11/12.capricorn.
    .actuarial.math major.iska.

    profile photos
    @yahoo @gmail @upwebmail
    @multiply @friendster

addictions

  • manga novels cosmo fanfics
  • net pc games blog
  • anime antm idol natgeo discovery

speak


the past

site stats



    Web Pages referring to this page
    Link to this page and get a link back!
    Get your own referer.org list.

    Who Links Here