Sunday, July 15, 2007
movie bonding
kahapon after class, nagmovie bonding na naman kami ni luisa. ganyan kami kapag after ng sem, or before magreview for SOA exam. panrelax na movie. hehe. Labels: actuarial exam, friends, gimik, movie
nagsimula yan nung magrereview ako for exam M, sya for FM. nanuod kami ng "The Lake House". at di naman kami narelax. kasi naman nagkandahilo-hilo kami sa pag-intindi ng movie. at after ng movie, syempre nagdiskusyon pa kami. ayun. ang pagrerelax ay failed. hehe.
ung pangalawa naman na movie na pinanuod namin ay ung "300". pagkatapos ata un ng hell sem namin dahil sa group insurance. kaya namin pinanuod ay dahil gusto naming makita ung 8-packs. haha. tapos biglang ang gory naman pala nung movie. puro patayan. ayun, failed ulit ang pagrerelax. hehe.
etong pangatlo, kahapon nga, success naman ang pagrerelax bago magreview ulit for SOA. pinanuod namin "Transformers". at ako, kahit pangalawang beses ko nang napanuod un, iba pa rin talaga. astig pa rin talaga ung movie. hehe. as in hanggang sa pag-uwi ay nagkukwentuhan kami ni luisa. ayun. sa wakas, success ang panrelax movie.
sabi nga nila, the third time's a charm. =)